Pagbubukas ng window ng mga awtomatikong gawain
Buksan ang tab na Mga awtomatikong gawain sa window ng Mga setting. Mabubuksan ang window ng Mga setting sa pamamagitan ng pag-click sa sa bar para sa pagta-type gamit ang boses.
Paggawa ng inyong unang awtomatikong gawain
Gagawa tayo ng halimbawang awtomatikong gawain na naglalagay ng pangwakas na pirma para gamitin sa mga email. Gaya ng:
Lubos na gumagalang,
James Smith
Bise Prinsipal
Magsimula sa pag-click sa button na [+ Bagong awtomatikong gawain].
Makikita ninyong lalabas ang view para sa pag-edit ng awtomatikong gawain:
Sa kaliwa, mag-type ng isa o higit pang “Parirala”, na siyang sasabihin ninyo para patakbuhin ang awtomatikong gawain. I-type ang “Ilagay ang pirma” sa kaliwa. Maaari kayong magdagdag ng iba pang bersyon sa pamamagitan ng pag-click sa [+ Magdagdag ng parirala].
Susunod, idaragdag natin ang mismong pirma. I-click ang [+ Magdagdag ng aksyon]. Magpapakita ito ng ilang pagpipilian:
I-click ang opsyong Maglagay ng teksto, saka i-type (o idikta!) ang gusto ninyong pirma sa email.
I-click ang Tapos na. Ibabalik kayo nito sa view para sa pag-edit ng awtomatikong gawain.
I-click ang I-save ang awtomatikong gawain para i-save ang buong awtomatikong gawain.
Paggamit ng inyong awtomatikong gawain
Kapag nasa mode kayo ng pagta-type gamit ang boses, maaari ninyong sabihin ang alinman sa mga pariralang pinili ninyo para paganahin ang (mga) aksyong ginawa ninyo.
Halimbawa, pagkatapos i-click ang Simulan ang pagta-type gamit ang boses o paganahin ang VoiceTyper gamit ang shortcut sa keyboard, maaari ninyong sabihin ang “Ilagay ang pirma” at mabilis nitong ilalagay ang inyong pirma.
Kung nagdagdag kayo ng maraming aksyon, isasagawa ang mga ito nang sunud-sunod.